<xmbtext>Habang ini-scan ng Picasa ang iyong mga larawan, awtomatikong nagugrupo ang mga mukhang nahahanap nito para sa madaling pagpapangalan.\n\nMga bagay na kailangan malaman:\n\nUpang matukoy ang tao, i-click ang'Magdagdag ng pangalan', matapos ay i-type ang pangalan ng tao at pindutin ang Enter. May bagong album ng Tao na magagawa para sa bawat beses na nagpangalan ka ng sinuman sa unang pagkakataon.\n\n(TIP: Mag-sign in sa Picasa Web Albums upang ma-access lahat ng iyong Google Account na mga contact habang pinapangalanan.)\n\nUpang huwag pansinin ang isang tao, i-click ang 'X' na pindutan sa thumbnail ng mukha.\n\nMga Mungkahi: Matapos mo pangalanan ang sinuman, maaaring magmungkahi ang Picasa nang higit pang mga tugmang mukha para sa taong iyon. Mag-click sa album ng tao upang tingnan at kumpirmahin (o tanggihan) ang anumang mga mungkahi.\n\nMaaari kang mag-upload ng mga name tag sa Picasa Web Albums. Ang mga larawang na-upload o 'na-sync sa Web' ay magtataglay ng mga name tag na iyong ibinigay.\n\n\n I-click ang 'Matuto Nang Higit Pa' para sa impormasyon tungkol sa tampok na ito.</xmbtext>