Papaano ko tatanggalin ang Picasa 2?
Maaari
ninyong tanggalin ang Picasa mula sa Windows Add/Remove Programs control panel
o sa pamamagitan ng paggamit sa Uninstall na opsyon sa loob ng Picasa Program group ("Start" >
"Programs" > "Picasa2" > "Uninstall").
Habang ginagawa ang uninstall process, kayo ay tatanungin kung tatanggalin rin ang Picasa
database. Piliin ang "Yes" kapag gusto ninyong burahin ang anumang pag-ayos o mga pagbabago
na inyong ginawa sa Picasa (kapag wala na kayong balak na muling i-install ang Picasa 2).
Mag-click sa "No" kapag gusto ninyong pabayaan ang mga pagbabago na inyong nagawa (kapag may balak kayo
na muling i-install ang Picasa 2).
Pagkatapos ninyong matanggal ang Picasa 2, maaaring may mga natitirang mga file o folder mula sa Picasa
installation. Maaari ninyong tanggalin ang Picasa folder sa sumusunod na paraan:
1. Buksan ang "My Computer" > C: drive > 'Program Files.'
2. Mag right-click sa Picasa folder.
3. I-click ang "Delete."
4. I-click ang "Yes."
Lubusan na ngayong matatanggal ang Picasa mula sa inyong computer.