Newscast: TV Patrol - Broadcast date: 11/29/96
Homepage: ABS-CBN Broadcasting Corp.
Copyright © 1996, ABS-CBN Broadcasting Corp.

22 MILYONG KATAO - HIV POSITIVE
"BRING A FRIEND"
NANGANGANIB NA KUMPIRMASYON NI LAGDAMEO
JALASCO, BAGONG POC HEAD
MGA BANSANG NAIS LUMAHOK SA ASEAN
PROTESTA NI OPLE LABAN SA TSINA
PAG-UUSAP NG NDF AT GOBYERNO, SUSPINDIDO
BUMAGSAK NA ELEVATOR NG EEI
NAG-AMOK AT NANG-HOSTAGE
SARILING ANAK ANG HOSTAGE



Subject: 22 MILYONG KATAO - HIV POSITIVE
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Tumataas pa ang bilang ng mga taong positibo sa HIV. Kanina, nanumpa ang mga bagong opisyales ng Pinoy-plus, ang samahan ng mga HIV positive.

Ayon sa Department of Health, may 841 na katao ang nai-ulat nang HIV positive. At 159 sa mga ito ay full-blown AIDS na. At iyan ang mga nai-uulat pa lamang. May hinala ang DOH na umaabot sa 15 hanggat 30 libong katao ang may HIV sa ngayon. Sinabi ni Secr etary Carmencita Reodica na ang problema ay hindi sa kaalaman. Aniya, hindi nila pini-pigilan ang karapatan ng mga may AIDS. Si Sarah Jane Salazar ang isa sa mga AIDS patients na hindi nag-practice ng safe-sex.

Pinanumpa kanina ni Reodica ang ilan sa mga bagong opisyales ng Pinoy-plus, isang samahan ng mga Pilipinong HIV positive. Ngunit pagkatapos ng induction, ayaw humarap sa media ang mga opisyales.


Subject: "BRING A FRIEND"
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Mayroon ba kayong "addict" na kamag-anak? Isuko niyo agad sa PARAC o Police Assistance and Reaction against Crime. Inilunsad ni Interior Secretary Robert Barbers ang programang "Bring A Friend", isang drug rehabilitation program kaninang umaga.

Araw-araw, dumarami ang nagiging biktima ng pinagbabawal na gamot. Ayon sa estatistika ng Dangerous Drugs Board, lampas sa 50 porsyento ng mga pamilya sa Pilipinas ang may miyembro na nalululong sa droga. Ayon kay DILG Secretary Barbers, para maging epekt ibo ang kampanya laban sa droga hindi lamang ang mga nagbebenta ang dapat pagtuunan ng pansin. Ayon kay Barbers, araw-araw na lamang ay may dumudulog sa kanyang tanggapan kung papaano ipa-rerehab ang kanilang adik na anak. Kulang ang mga rehabilitation ce nters sa bansa. At karamihan ay sumusingil ng di kulang sa P60,000 kada adik na i-re-rehabilitate.

Kagabi, isa na namang adik ang nanggulo sa Mandaluyong. Kinailangan pang tumawag ang mga kapitbahay ng pulis upang mapayapa ang ito. Ngayon, dahil sa dumaraming bilang ng adik, inilunsad ni Barbers ang programang "bring a friend". Ayon kay Superintendent Baltazar Balangauan, hepe ng Drug Rehabilitation Center sa Bicutan. Bago ang kanilang mga pasilidad at makaka-tanggap pa sila ng maraming pasyente sa ngayon.


Subject: NANGANGANIB NA KUMPIRMASYON NI LAGDAMEO
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Namemeligro ang kumpirmasyon ni Transportation Secretary Amado Lagdameo. Ini-urong ngayon ni Senate President at Commission on Appointments Chairman Ernesto Maceda ang nominasyon ni Lagdameo sa DOTC dahil sa natuklasan niyang anomalya sa Public Estates Au thority na dating hawak ni Lagdameo.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Maceda na pumasok noon si Lagdameo sa kuwestiyonableng P120 milyong land-deal sa Amari/Ital-Thai Coastal Bay Development Corporation. Binabaan umano ni Lagdameo ang halaga ng 400 ektarya ng lupa sa Roxas Boulevard pa bor sa korporasyon. Bukod dito, pinayagan din ni Lagdameo na mag-reclaim pa ng Amari/Ital-Thai ng 40 ektarya mula sa Manila Bay kung saan 20 porsiyento lamang ang mapupunta sa gobyerno.


Subject: JALASCO, BAGONG POC HEAD
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Tulad ng inaasahan, nagwagi ang anak ng Pangulong Ramos na si Cristy Ramos-Jalasco bilang presidente ng Philippine Olympic Committee sa eleksyong ginanap kanina. Ang pagbabago sa liderato ng POC ay inaasahan sa pagtatapos ng termino ni POC President Rene Cruz.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng POC, ngayon lamang nagkaroon ng kandidatong babae sa katauhan ni Cristy Jalasco. Mga beterano sa larangan ng sports ang kanyang mga katunggali sina PATAFA President Go Teng Kok at Sports Commissioner Celso Da yrit.

Ang pagdalo ni First Lady Ming Ramos ay itinuturing ng marami na show of force. Nguni't may dahilan siya. Bilang pangulo ng Philippine Badminton Association, may karapatang siyang bumuto. Matapos ang isang closed-door election, idineklarang panalo si Jal asco. Nguni't, isang boto lamang ang inilamang niya kay Dayrit.


Subject: MGA BANSANG NAIS LUMAHOK SA ASEAN
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Titiyakin ng mga lider ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) na lalahok ang Burma sa naturang organisasyon sa kabila ng matinding oposisyon ng Estados Unidos at ng iba pang mga bansang kanluranin.

Ito ang isa sa mga salitang binitawan ni Pangulong Ramos sa Villamor Air Base kaninang umaga bago siya lumipad patungong Jakarta para sa ASEAN Informal Summit. Sinabi ng Pangulo na makikipagpulong ang mga ASEAN leaders sa mga lider ng Burma, Cambodia at L aos upang pag-usapan kung papaano mapapadali ang pagpasok ng mga naturang bansa sa ASEAN.


Subject: PROTESTA NI OPLE LABAN SA TSINA
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Hinikayat ni Senador Blas Ople ang pamahalaan na magsampa ng diplomatic protest laban sa Beijing. Ang state visit ni Chinese Premier Jiang Zemin ang nagpatibay sa relasyon ng People's Republic of China at ng Pilipinas. Ipinanukala ni Jiang na sabay na is agawa ng Tsina at ng Pilipinas ang "joint exploration" at "development" ng Spratlys. Noong gabi bago umalis si Jiang, sa halip na pag-usapan muli ang isyu sa Spratlys, nag-duet nalang sila. Ngunit kasabay ng kantahan, isinawalat ni Senador Ople na pinalal akas pala ng Tsina ang kanilang "military garrison" sa Panganiban Reef sa pinag-aagawang Spratly Islands. Sinabi ni Ople na may karapatan ang Pilipinas na subukin ang diplomasya. Gayunman ang pagpapalakas ng "permanent structures" ay iligal na pagpasok ng Tsina sa teritoryo ng Pilipinas.

Magugunita na nagkaroon ng "stand-off" sa pagitan ng Philippine at Chinese navies noong nakaraang taon nang madiskubre ang mga "structures." Sinabi ng Tsina, ang mga ito'y itinayo ng mga mangingisdang Instik.


Subject: PAG-UUSAP NG NDF AT GOBYERNO, SUSPINDIDO
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Sinuspinde ng National Democratic Front ang pakikipag-usap nito sa gobyerno dahil sa patuloy na pagkakadetine ng lider nitong si Danilo Borjal. Ayon kay Luis Jalandoni, Chairman ng NDF panel, nilabag ng mga sundalong umaresto kay Borjal ang karapatan nito bilang NDF consultant alinsunod sa itinatakda ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee o JASIG.

Iginiit naman ng Government Republic of the Philippines panel, na hindi sakop ng JASIG si Borjal at hindi rin sila naabisuhan tungkol sa pagiging NDF consultant nito. May dala rin umanong armas si Borjal nang ito ay maaresto. Inatasan naman ni Defense Sec retary Renato De Villa si Armed Forces Chief Arnulfo Acedera na beripikahin kay GRP panel Chairman Howard Dee kung tunay na spokesman ng NDF si Borjal bago ikonsidera ng pamahalaan ang kahilingan para sa kanyang kalayaan. Samantala, hindi parurusahan ang mga tauhan ng Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na dumakip kay Filemon "Popoy" Lagman sa kabila ng desisyon ng korte na iligal ang pagkaka-aresto sa kanya.


Subject: BUMAGSAK NA ELEVATOR NG EEI
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Nagpabaya ang mga engineer ng EEI dahil sa kawalan ng mga safety devices, at kawalan na rin ng permit. Ito ang sinabi ng Makati City Engineers Office base sa inisyal na imbestigasyon sa bumagsak na service elevator na ikinamatay ng lima katao sa Makati Ci ty kahapon.

Isang gear type service elevator ang bumagsak na ayon sa mga inhinyero ay isa sa mga matibay na temporary elevator. Sa kaso ng Kingswood Twintowers, ang elevator roller ang kumawala sa riles nang papunta na ito sa ika-anim na floor. Ginagawa pa umano ang elevator kaya't kailangan pa ng permit para na rin sa safety ng mga contruction workers. Ayon sa Makati City Engineers Office, hindi na-tsek ang safety ng mga pag-i-install ng naturang elevator. Sinasabi ng mga EEI engineers na nasa testing pa ang elevator kaya lang aksidente ang nangyari.

Ang EEI umano ang sasagot sa gastos ng mga namatayan. Ngayon patuloy pa rin ang trabaho sa Kingswood Twintowers sa kabila ng indefinite stop-work order. Kasama sa pagluluksa ng mga construction workers ang pagkawala ng kanilang trabaho hanggang hindi tapo s ang imbestigasyon.


Subject: NAG-AMOK AT NANG-HOSTAGE
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Tensiyon ang umiral kaninang umaga sa isang subdibisyon sa Quezon City nang mag-amok at mang-hostage ng lima katao ang isang construction worker. Wala sa sarili at mistulang praning. Gumawa ng eksena ang lalakeng ito sa Mapayapa Village kaninang umaga. L imang sibilyan ang na-trap sa loob ng bahay sa kanyang pagwawala.

Sa panayam sa kanya, walang nagawa ang pakiusap ng mga pulis na ito ay sumuko. Pati mga kamag-anak ng nag-amok ay ayaw nitong pakinggan at tila hindi niya nakikilala. Kaya't isinagawa ang unang assault. Sa unang proseso, isang pulis, si Senior Inspector R eynaldo Magtahas, operations chief ng Special Weapons and Tactics, ang napalo ng martilyo sa ulo. Sa ikalawang pagsalakay ng mga miyembro ng SWAT, hindi sila sinuwerte. Isinagawa ang pinakahuli at pinal na assault. Nagliparan ang mga kahoy, batuta at kung anu-ano pa. Palo dito at palo doon ang inabot ng suspect. Pagkaraan ng ilang minuto, nakubabawan din ng mga otoridad ang lalake. Nahuli rin ito sa wakas at duguan nang lubayan ng mga pulis. Kaagad itong dinala ng mga otoridad at saka iginapos upang hindi na makapagwala. Saka lamang nakahinga ng maluwag ang mga na-hostage nito sa loob ng bahay.


Subject: SARILING ANAK ANG HOSTAGE
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/29/96

Isang ina naman sa Sikatuna Village ang nang-hostage ng sariling anak dahil sa matinding selos sa asawa. Pinagdududahan ni Ginang Shialimar Durutan ang kanyang asawang si Julius Falcon na mayroong kulasisi. Nang magbanta ang lalaki na lalayas ng tahanan, bigla na lang kinuha ni Shialimar ang kanyang dalawang taong gulang na anak na lalaki na si Wencel at tinutukan sa paa ng balisong. Dumating ang mga pulis at sumuko ang babae.

Go Back To News Service Index