Newscast: TV Patrol - Broadcast date: 11/01/96
Homepage: ABS-CBN Broadcasting Corp.
Copyright © 1996, ABS-CBN Broadcasting Corp.

MGA BANGKAY IBINEBENTA
MEDAL OF VALOR IPINAMIGAY?
PAL STRIKE TULOY PA RIN
BALABAGAN NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY
PANAWAGAN SA MINDANAO
MNLF PARA SA ANTI-KIDNAPPING DRIVE
PRISON GUARDS SANGKOT SA SHOOT-OUT
2 TAIWANESE TIKLO SA SHABU


Subject: MGA BANGKAY IBINEBENTA
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Karaniwang ibinebenta ng punerarya ay iyong mga bangkay na walang umaangkin at nakakakilala. P15,000 ang pinakamababang bentahan; P30,000 naman ang pinakamataas bawat bangkay. Ayon kay Bobby Elzingre, may-ari ng isang funeral parlor, halos lahat ng medical schools ay kailangan ang bangkay sa kanilang mga estudyante.

Nanawagan naman si Senador Juan Flavier, chairman ng committee on health and environment sa mga medical schools na huwag basta itapon ang mga bangkay na ginamit sa pag-aaral. Ayon sa kanya, 29 na medical schools ang gumagamit ng 1,000 bangkay sa kanilang pag-aaral.


Subject: MEDAL OF VALOR IPINAMIGAY?
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Maaari bang ipamigay ang pinaka-aasam na "Medal of Valor" sa isang sundalo dahil lamang ito ang kanyang huling kahilingan bago mamatay? Pinagbigyan uman ni Pangulong Ramos ang huling habilin na ito ni dating Airforce fighter pilot General Godofredo Juliano nang mamatay ito noong 1992, upang makatabi niya ang puntod ni Colonel Jesus Villamor. Si Villamor at PC Capt. Desiderio Suson ay kasama sa mga Medal of Valor awardees. Ngayon, nagrereklamo ang mga kamag-anak ni Suson dahil nakasulat sa krus ng puntod ni Juliano ang "Medal of Valor" gayung hindi siya nakalista sa mga Medal of Valor awardees ng AFP.


Subject: PAL STRIKE TULOY PA RIN
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Hinihiling ng mga manggagawa ang pagbibitiw sa tungkulin nina acting Secretary Cresenciano Trakano at iba pang matataas na opisyal sa DOLE. Ayon sa PALEA hindi pa tapos ang pakikipag-usap nila sa DOLE at PAL ay inilabas kaagad ang return to work order. Sinabi rin nila na hindi valid ang order dahil walang awtoridad ang acting secretary na mag-isyu nito.


Subject: BALABAGAN NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Dalawang beses nagtangkang magpakamatay ang ama ni Sarah Balabagan habang sakay ng barko patungong Maynila. Bigla na lamang umano tumalon si Karim Balabagan sa barko malapit sa Iloilo. Agad naman siyang nasagip ng rescue team ng barko. Pagkatapos nito ay hiniwa niya ang ibat-ibang parte ng kanyang katawan ng basag na bote. Tiniyak naman ni Sarah na dadalaw siya sa kanyang ama sa ospital ngunit hindi pa sa ngayon. Samantala, isang malapit na kaibgian ni Sarah ang nagsabing bago ng tangkang pagpapakamatay ni Karim ay madalas nitong pinagbabantaan si Sarah. Wala na rin umanong natitirang pera ang dalaga kundi ang trust fund na ini-ingatan ng OWWA para sa kanya.


Subject: PANAWAGAN SA MINDANAO
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Nanawagan ang mga negosyante sa Cotabato City kay Pangulong Ramos na lutasin ang kanilang problema tungkol sa kidnapping sa kanilang bayan. Kasabay nito, muling nagbukas ang mga negosyo sa nasabing bayan kaninang umaga matapos magsara ng dalawang araw bilang protesta sa laganap na kidnap for ransom cases. Ayon kay Cotabato City Chamber of Commerce president Oscar Tan-abing, tanging si Pangulong Ramos na lamang ang kanilang pag-asa na mapuksa ang krimen.


Subject: MNLF PARA SA ANTI-KIDNAPPING DRIVE
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Anim na buwan lang at buo na ang isang elite anti-kidnapping task force ng PNP sa Cotabato City tulad ng PACC. Pangunahing layunin ng grupo na tugisin ang mga kidnaper. Magsisilbi rin sila bilang mga security escorts ni Chairman Nur Misuari. Ang nasabing grupo ay magsasanay sa jungle warfare training, rescue operations at security detail missions. Ayon sa mga awtoridad, kilala na nila ang mga utak ng kidnapping group tulad nina Kabuntalan Mayor Socarno Samad, at dalawang Muslim commanders na sina Mosa Alik at Mayang Kanay. Inaasahan na ang anti-kidnapping group ni Misuari ang siyang papasok sa lungga ng mga nasabing bandido.


Subject: PRISON GUARDS SANGKOT SA SHOOT-OUT
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Nagkagulo kagabi sa Dary's beerhouse sa Mandaluyong City. Tatlong jailguards ng Bureau of Jail Management Penology ang nasangkot sa barilan subalit ang kawawang naging biktima ay si Angelina Batella, floor manager ng beerhouse. Dalawa sa kanila ang naaresto sa opersayon ng pulisya sa mga pagamutan.


Subject: 2 TAIWANESE TIKLO SA SHABU
Newscast: TVPATROL - Air Date: 11/01/96

Tatlong kilo ng shabu na nagkakahalagang P6 milyun ang nasamsam ng pulis mula sa dalawang Taiwanese, na kinilalang sina Chen Jung San at Chen Tiz Chang. Imumungkahi ni PNP-NCR Diurector Hermogenes Ebdane sa BID na maghigpit na sa mga turistang galing Taiwan dahil isa ito sa mga pangunahing source ng shabu.

Go Back to The News Service Index