Subject: RESURFACES / CABINET / BIZNEZ
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Isang araw matapos ang kanyang operasyon, nag-pakita na si Pangulong Ramos upang tapusin ang mga is-pekulasyon tungkol sa kanyang kalagayan. Malamang na bukas pa siya makalabas ng ospital, nguni't siniguro niyang sa piling pa rin ng kanyang mga apo siya magdiriwang ng pasko.Dinalaw ng mga miyembro ng gabinete at mga media si Pangulong Ramos sa ikatlong araw niyang pamamalagi sa Makati Medical Center. Binalitaan siya ng magandang kaganapan. Ito ay ang pagkapasa ng kongreso sa apat na importanteng panukala. Pagkatapos ng mini cabinet meeting, hinarap niya ang media upang ipakita na siya'y nasa magandang kalagayan.
Samantala, nagtrabaho pa rin ang gabinete kaninang umaga. Sinabihan sila ng Pangulo na tapusin na ang mga assignment na ibinigay sa kanila noong nakaraang cabinet meeting. Ngunit hindi inaprubahan ng kongreso ang 1997 general appropriations act at mukhang kinakailangan na ang impluwensya ni Pangulong Ramos. Kailangan pang magpahinga ng Pangulo at magpapasko siya sa ospital, kasama ang kaniyang mga apo. Nakatakdang lumabas ng ospital ang Pangulo bukas ng gabi.
Balik-normal na ang hanay ng negosyo na pansamantalang nabulabog ng pagka-ka-ospital ni Pangulong Ramos. Ayon kay Trade and Industry Secretary Cesar Bautista, nasi-siyahan din ang hanay ng negosyo dahil napatunayan ng pamahalaang kaya nitong harapin ang g anitong sitwasyon. Nguni't igi-nigiit pa rin ng grupong BURA na hindi pa rin nili-linaw ng Malakanyang kung kaya pa ng kalusugan ng Pangulong hawakan ang mga kritikal na problema ng pamu-muno sa bansa.
Subject: ERAP MEETS NPC / CBCP
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Sinamantala naman ng oposisyon ang pagka-kasakit ni Pangulong Ramos upang planuhin ang mga angkop na hakbang sa politika. Habang nasa ospital ang Pangulo, nagharap kagabi ang dalawang pangunahing lider ng oposisyon upang pag-usapan ang kanilang plano.Pormal nang magsasanib ang NPC ni Senate President Ernesto Maceda at PMP ni Vice President Joseph Estrada sa darating na sabado. Bukod sa PMP, sinabi ni Maceda na maging ang LDP ay kina-kausap na rin niya para sa posibleng pagsasanib ng puwersa.
Sa harap ng kanya-kanyang agenda ng mga pulitiko at mga pagta-tangkang maamiyendahan ang saligang batas, nanawagan naman ang simbahang katoliko na tigilan na ang mga hakbang na lalo lang maghaha-hati- hati sa mga Pilipino. Sa isang christmas message, sina bi ng CBCP na ang kapaskuhan ay panahon ng paghi-hilom sa mga sugat at hindi sa higit pang pagpa-palalim nito.
Subject: MURDER CHARGES TO BE FILED
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Sasampahan na ng Cavite PNP command ng kasong murder ang mga suspect sa pagpatay sa newsman na si Bert Berbon. Ina-asahan na anim sa mga suspect ang mahu-huli anumang oras. Sa huwebes nakatakdang isampa ng Cavite PNP command ang kasong murder at attempted murder. Positibo na sa identity ang anim na mga suspect na nasa likod ng pagpatay kay Bert Berbon. Hindi pa inilalabas ang pangalan ng mga ito habang tinutugis na sa labas ng lalawigan ng Cavite.Grupo umano na inupahan ng isang drug syndicate. Matagal nang binalak na iligpit si tata Bert. Isa sa mga killer ay kinilala ni mrs. Sabina Berbon sa bagong cartographic sketch ng mga otoridad. Nagpakalat na ng mga tauhan ang Task Force Berbon sa labas ng Cavite.
Ayon sa pulisya, malaking lead ang kotseng narecover bagama't tatlong salin na sa nagmamay-ari ng kotse na-trace ng pulisya ang huling nakabili nito. Sadya umanong binili ang kotse para gamitin sa krimen. Umaasa si Mrs. Sabina Berbon na matatapos ang kaso bago mag-1997.
Subject: INSTANT SAHOD C/O ABS-CBN
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Bata man o matanda, buntung-hininga'y "sana, araw-araw ay pasko." Bukod sa kakaibang simoy ng kasa-ganaan, ang pasko'y panahon ng pagbi-bigayan. Subalit para sa mga guwardiya ng Excelgard sa Sampaloc, Maynila, hindi kapana-panabik ang kapaskuhan.Iba ang binantayan ng may pitumpung guwardiya ng excelgard security agency kagabi. Ito ay ang paglabas ng kanilang among si Flordeliza Angel. Diwa ng pasko ang gusto ng mga guwardiya. Anila, sa loob ng apat na taon, sanay na sila na walang bonus.
Ang thirteenth month pay naman ay dinadasalan pa bago nila matanggap. Subalit ang di nila mapalalampas ay ang hindi sila pasuwelduhin gayong pasko pa naman. Sa kakarampot daw na sahod, kung ano-ano pa ang kinakaltas at dahil sa isyu ng lamangan, muntik na ng tuluyang mawala ang diwa ng pasko, eksenang di nakaligtas sa atensiyon ng nagpapatrulyang ABS-CBN News Team. At sabihin nang atrebida at may kakulitan, ABS-CBN News Team nang pumasok sa eksena. Nabulabog ang ahensiya at ang among di mapagbigay ay bigla ng bumigay. Protesta'y biglang nawala, dahil sahod instant bayad na!
Subject: RESCUE AGAIN / SHABU
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Inaresto ng mga awtoridad ang isang bakla at isang tomboy habang nina-nakawan nila ang isang Austrian tourist na kanilang nilasing sa loob ng taxi sa maynila kagabi. High-na-high pa si Evi Matter ng salzburg Austria ng sagipin ng mga pulis at ABS-CBN news team sa kamay ng dalawang magnanakaw. Si Matter ay nilasing o pinainom ng pampatulog nina Doris Gomez at Raffy Rubiso sa ermita.Batay sa pulis report dakong alas onse ng gabi ng makita ng mga suspek si Matter. Agad nila itong kinaibigan at niyayang uminom sa isang club. Nang malasing ang biktima agad na sinakay ng dalawa ito Sa isang taxi. Nagulat ang taxi driver dahil paikot-ikot na lamang daw sila at tila walang patutunguhan. Habang binubuksan ng mga suspek ang bag ng biktima sa likod ng sasakayan. Agad na dineretso ng driver ang kanyang taxi sa headquarters at nagsumbong sa ABS-CBN news team. Na-recover ang halagang 1,900 german marks sa mga suspek.
Natiklo naman ng mga kagawad ng WPD narcotics unit ang isang ina dahil sa pagti-tinda ng ipinagba-bawal na gamot na kanilang ikinabubuhay. Ni-raid ng mga tauhan ni WPD Narcotics Chief Nelson Yabut ang tahanan ni Felimona San Pascual dakong ala una ng mada ling araw. Nakuha ang dalawampung gramo ng shabu sa tahanan nito. Subalit, ayon sa suspek, hindi kanya ang mga nakuhang shabu. Ang suspek ay kakasuhan ng possession at distribution of illegal drugs.
Subject: MOLESTED
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Kahit pasko, walang tigil pa rin ang pang-a-abuso sa mga menor-de-edad. Isa na namang walong taong gulang na batang babae ang pinag-samantalahan ng isang construction worker.Dito sa lugar na ito pinagsamantalahan ang kamusmusan ni lenlen. Walang kamalay-malay ang bata na sa kabila ng kanyang murang edad ay pag-iinteresan siya ng kapit-kuwartong construction worker. Mabuti na lang, ang pagwasak sa kapurihan ng bata ay natuklas an ng kanyang ina. At gaya ng inaasahan, itinanggi ng suspect ang akusasuon. Subalit kabisado pa ng bata kung ano ang ginawa sa kanya. Nakatakda ipasuri ang brief ng suspect.
Subject: JAIL RAMPANT / FULLER / PULIS
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
I-imbestigahan ng Commission on Human Rights ang umano'y pang-aabuso sa mga babaeng preso ng mga lalaking inmates, patikular sa Quezon City at Manila City jails. Ayon sa CHR, kadalasan ay i-isa lang ang palikuran ng mga babae at lalaking preso. A-alamin d in ng CHR ang katotohanan sa umano'y pagdurusa ng ilang bilanggong inaresto ng walang warrant at wala namang kaso.Ayon kay CHR Chief Aurora Recina, karamihan sa mga ito ay biktima ng police harassment. Marami rin anya sa mga presong may sakit ang pinagka-ka-itang makapagpa-gamot. Isang ma-impluwensiyang pulitiko sa estados unidos ang posibleng nasa likod ng tangkang pag-blackmail sa sandiganbayan. Kaugnay ito sa pabebenta ng PCGG ng falcon F-50 executive jet sa walter fuller aircraft sales, isang american company. Ayon kay Sandiganbayan Presiding Justice Francis Garchitorena, tumawag sa kanya noong December 20 ang isang nagngangalang Hank Hendrickson, political counselor ng u-s embassy sa maynila. Nagbanta umano ito na babawasan ang US aid sa PILIPINAS kung mabibig o ang anti-graft court na resolbahin ang kaso para makuha muli ng walter ang pitong-bilyon na ibinayad nito sa PCGG. Ang nasabing jet ay na-sequester ng PCGG mula sa negosyanteng si danding cojuangco.
Samantala, ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan. Tila hindi ito ang nadama ng isang pulis nang kamuntik na siyang makamatay ng mga sarili niyang kamag-anak.
Ang nagrereklamo ay si Mark Mirasol. At ang kanyang inerereklamo ay ang sarili niyang tiyuhin. Ang dahilan, pinaputukan siya nito sa likod at sinundan pa ng dalawang suntok. Nahuli naman ng mga otoridad ang suspect na isa ring pulis. Subalit nanganib muna ang buhay ng mga rumespondeng pulis nang magwala ang suspect. Pati ang bayaw ng suspect ay hindi nito pinatawad. Sobra umano ang kalasingan ng suspect kaya't nanggulo. Tinulungan siya ng batang kapatid na nagdala naman itak. Subalit nang makapanayam, maliwanag na ang isip ng suspect.
Subject: TRAFFIC / BEGGARS
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Walang epekto ang pagbabalik ng unified traffic scheme sa araw na ito. Naging mabigat pa rin ang daloy ng trapiko, ayon sa MMDA. Ito'y bunga ng last minute shopping, gayundin ang sabay-sabay na pag-uwi nito sa mga lalawigan. Marami rin ang mga pasaherong hirap sa pagkuha ng mga sasakyan. Ayon sa MMDA traffic base, higit na naging masikip sa edsa kung saan marami ang malapit na shopping malls, sa south at north expressways.Na-doble naman ang dami ng mga batang yagit na nakikipag-unahan sa kaunting barya na ibibigay ng mga motorista. Kahit sa paos nilang boses ay dama sa tinig ng mga batang ito ang kahirapan. Sila ang mga tinatawag na batang yagit, nabubuhay sa lansangan at sa awa ng mga taong may mababang kalooban. Sa kaunting barya na inililimos sa kanila, sinasagasa ang mga naglipanang sasakyan kahit malagay sa panganib ang kanilang buhay. May iba't ibang dahilan kung bakit nila ginagawa ito. Ngunit kailangan bang magpatu loy ang ganitong uri ng kanilang buhay sa araw-araw?
Subject: TRAFFIC / SHOP
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Bisperas na ngayon ng pasko pero nata-taranta pa ring mamili ang mga tao. Bakit nga ba hilig ng mga pinoy ang last minute christmas shopping? Ilang oras na lang ay pasko na at mahaba pa rin ang pila sa department stores! Taun-taon ay nakagawian na ng Pili pino ang last minute shopping tuwing pasko. Sa dami ng tao at tagal ng pamimili, malaki rin ang tinataas sa kita ng department stores.Karamihan ay cash pa rin kung magbayad, sunod ang credit card at gift cheques. Maging ang shopping hours ay nadadagdagan ng isang oras simula pa lang ang buwan ng disyembre. Sa kabila nito, hindi pa rin matapos sa oras ang pamimili. Anila'y simple lang na man ang dahilan sa last minute shopping, wala talagang pera. Isang pang sagabal umano ay ang traffic at trabaho. Hindi rin matapos-tapos ang haba ng listahan ng kamag-anak at ina-anak na sumusulpot tuwing pasko.
Go back To News SerVice Index
Subject: METRO MANILA FEST STARTS
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/24/96
Nagpista ang libu-libong tao kanina sa parada ng mga bituin para sa taunang Metro Manila Film Festival. Pero sa likod ng makulay na okasyon, ay ang punang bumaba na umano ang kalidad ng pelikulang Pilipino.Mula sa parañaque, nag-motorcade ang mga karosa ng mga bituin sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa maynila. Nagpa-bonggahan ng mga floats ang iba't-ibang kalahok sa filmfest. Pero ayon sa mga kritiko, bumagsak na ang antas ng filmfest dahil sa pagpili n g mga opisyales ng mga palasak na pelikula Isinakripisyo umano ang mga obra nina Celso Ad Castillo at Marilou Abaya.
Pero ayon kay Dolphy, inamin naman ni Wilson Tieng, miembro ng screening committee na kailangan din nilang pumili ng mga pampamilyang pelikulang tiyak na kikita sa takilya. Tinatayang kikita ng mahigit dalawang daang milyong piso sa loob ng sampung araw a ng filmfest.