Newscast: TV Patrol - Broadcast date: 12/20/96
Homepage: ABS-CBN Broadcasting Corp.
Copyright © 1996, ABS-CBN Broadcasting Corp.

PINIGIL NG SUPREME COURT
COLLAPSE PARA SA PIRMA?
MGA PRESIDENTIABLES
SA SIMBAHAN
ARRESTED
FOLLOW-UP
XMAS CRIMES
IS DEAD
MGA IGNORANTE
DROP CHARGES / KUWAIT
APPARITION



Subject: PINIGIL NG SUPREME COURT
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Pinigil ngayon ng korte suprema ang paglulunsad ng "PIRMA", ang signature campaign para sa pag-aamiyenda ng konstitusyon.

Binigyan ng supreme court ng sampung araw ang COMELEC at mga lider ng PIRMA na sina Jesus Delfin, Alberto at Carmen Pedrosa ng sampung araw upang sumagot sa petisyong isinampa ni Senador Miriam Santiago. Bago nito, sinabi ni COMELEC Commissioner Regalado Maambong na walang ligal na hadlang para sa paglulunsad ng PIRMA ng signature campaign.

Hindi na aniya kailangan ng PIRMA na makuha pa ang bendisyon ng COMELEC para sa kampanya. Ayon kay Maambong. Ang petisyong isinampa doon ng PIRMA ay humihingi lang ng manpower assistance para sa pangangalap nila ng lagda.


Subject: COLLAPSE PARA SA PIRMA?
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Maaaring may kinalaman ang Malakanyang sa pag-bagsak ng deliberasyon sa 1997 national budget sa Kongreso. Ayon kay Congressman Joker Arroyo, posibleng sinasadyang antalahin ito para rambulin ang kasalukuyang badyet. Ilang sektor ang nagsasabing may kinala man din ito sa pag-po-pondo sa PIRMA. Kanina, iniutos ng Pangulo na pag-usapan muli ng Kongreso ang 1997 budget bago matapos matapos ang taon.

Pinaki-usapan ni Pangulong Ramos sina Senador Ernesto Maceda at Congressman jose De Venecia na magkaroon ng special session bago mag-pasko matapos mag-deadlock sa deliberasyon sa budget. Ngunit ayon kay Senador Maceda, magka-special session man sila nitong desyembre 23 at 24, malayong magkasundo ang Senado at Kongreso.

Kinatigan din ito ni Speaker De Venecia. Hindi man magkasundo, handa ang Malacañang na gamitin ang 1996 budget mula Enero hanggang Marso 1997. Kung kaya't pinagdududahan naman ng ilang mga panig na baka sinadya ang deadlock sa budget. Walang probisyo n sa 1996 budget... Na nagbabawal sa COMELEC na gamitin ang pondo para sa darating na eleksyon.

Nangako ang Malakanyang na hindi kailangang magsara ng Importanteng government offices tulad ng ginawa ng Estados Unidos nang nabinbin noon ang kanilang budget. Makukuha rin daw ng mga government employees ang salary increase na ipinangako sa kanila ng Pr esidente.


Subject: MGA PRESIDENTIABLES
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Bakbakan na ang mga pulitikong malamang tatakbo sa pagka-Presidente sa taong 1998. Hayagan na ang labanang House Speaker Joe De Venecia at Vice President Joseph Estrada. Isang grupo na pipigil kay Vice President Joseph Estrada Sa kanyang ambisyong maging Pangulo ng bansa ang binuo ni House Speaker Jose De Venecia. "PADER" ang pangalan ng grupo ni De Venecia.

Ayon naman kay Estrada, walang "PADER" ang makakapigil sa kanyang tumakbo. Itinanggi ni Estrada na sigurado na siyang tatakbo sa 1998. Aniya, depende ito kung mataas pa rin ang "rating" niya bago mag-eleksyon.

Samantala, handa namang pumasok sa pulitika si defense Secretary Renato De Villa. Sa kauna-unahang pagkakataon, "on record" na sinabi ni De Villa na bukas na ang kanyang isipan sa posibilidad na siya'y tatakbo bilang kapalit ng Pangulong Ramos. Ayon kay De Villa, walang kinalaman ang Pangulong Ramos sa kanyang plano. Meron lamang mga malalaking negosyante na tumutulak sa kanyang kumandidato. Ipina-alam narin ni De Villa sa kanyang pamilya ang posibilidad at ang naging pasya nila, bahala na raw siya.

Tungkol naman sa PIRMA, sinabi si Vice President Estrada na hindi siya nasaktan sa sinabi ni Carmen Pedrosa na di siya dapat manalo bilang Presidente dahil "incompetent" siya. Aniya, maaring sabihin ni Pedrosa ang nais niya dahil demokratikong bansa ang P ilipinas. Gayunman, dapat din muna niyang tingnan ang track record ng Bise Presidente bago magsalita.


Subject: SA SIMBAHAN
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Sa gitna ng mainit na usapin sa isyu ng PIRMA at BURA, tumayong mga ninong sina Pangulong Ramos at House Speaker De Venecia, at ninang naman si Unang Ginang Amelita Ramos sa pag-i-isang dibdib ng sikat na boksingero na si Mansueto "Onyok" Velasco at may b alisi. Ito ang ikalawang pag-isang dibdib nina Onyok at May, matapos ang civil wedding nila noong 1994.

Maagang dumating si Onyok kasabay ng kanyang mga magulang. Isang Mercedes Benz na limousine type naman ang sasakyan ni May. Simple at tahimik ang pagdaraos ng kasal nila sa Sto. Domingo Church. Maliban lamang sa mga pangunahing ninong na si Pangulong Ramos at ninang Amelita Ramos. Bukod pa kay House Speaker Jose De Venecia, mga sikat na negosyante na tumulong sa tagumpay ni Onyok. Maging ang mga kasamahang boksingero ay wala rin sa kasal.

Ayon naman kay May, ito ang matagal na niyang pinangarap. Hindi rin nakaligtas si Onyok sa mga humahanga sa kanya. At siyempre hindi rin pahuhuli ang mga pangaral at wish ng iba pang nagmamahal kina Onyok. Matapos ang kasal at honeymoon, sa bagong bahay n a ito sila titira na niregalo sa kaniya noong nakaraang Olympic Games.

Paghahandaan din ni Onyok ang laban nito sa Hungary sa Oktubre. Pagkatapos ng kasal, papasukin naman ni Onyok ang daigdig ng pelikula! Mahigit tatlong milyung piso diumano ang tinanggap ng Olympic silver medalist para isapelikula ang kanyang buhay. Taliwa s sa mga ulat na si Ogie Alcasid ang itatampok sa proyekto, si Onyok mismo ang gaganap sa kanyang sarili.

Nakatakdang mag-shooting si Onyok sa bagong taon sa kanyang bayan sa Negros at sa Maynila. Anya, di tutoong tinutulan niya ang pagganap ni Ogie sa pelikula. Nilinaw naman nina Onyok na pansamantala lang ang pagso-showbiz niya. At ang pinaka pangarap niya ay makuha ang gold medal sa Sydney Olympics 2000. Pero bago iyan, ang mas mahalaga kay Onyok ay ang pag-a "I do" nila ni May.


Subject: ARRESTED
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Inaresto ng mga tauhan ng Central Police District si Calbayog City Mayor Reynaldo Uy, isa sa mga akusado sa pagpaslang sa isang political leader sa Western Samar. Natiyempuhan ng mga tauhan ng CPD si Mayor Uy malapit sa kanyang bahay sa San Juan.

Kagagaling lamang ni Uy sa simbahan ng arestuhin siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Manila RTC Judge Maximo Jovellano. Si Uy ay akusado sa pagpaslang kay Antonio Sauro noong Mayo ng nagdaang taon. Si Sauro ay lider ng Lakas-NUCD sa Calbayog, S amar.

Ayon kay Uy, lider ng liberal party sa samar, ang pagkakasangkot niya sa pagpatay kay sauro ay isa lamang panggigipit pulitikal. Ngunit wala umanong kinalaman dito ang Pangulong Ramos, bilang puno ng Lakas-NUCD. Tiniyak din ni Uy na dinismis na ng departm ent of justice ang kaso laban sa kanya noong oktubre. Pinabulaanan din niya na nagtatago siya sa batas.


Subject: FOLLOW-UP
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Masusing sinisiyasat ngayon ng PNP region 4 at Cavite Police ang naging aktibidad ni Bert Berbon sa FEDJODAC, isang samahan ng mga jeepney driver at operators. Posibleng ang mga nalalaman umano ni bert sa racket na ginagawa ng FEDJODAC, lalu na sa mga kol orum na jeepneys ang isang dahilan ng pagpatay sa kanya.

Sa FEDJODAC- or grupo ng mga jeepney operators at drivers sa Cavite ang konsentrasyon ng imbestigasyon. Isang kooperatiba ng mga driver sa Cavite, 120 ang mga miyembro nito. Nguni't higit na nakikinabang umano ang mga kolorum jeepney na nakahihigit umano sa bilang sa pila at bayad sa kooperatiba hindi na ito nairerekord. At si Bert ay maraming alam sa racket na umano'y ginagawa nito. Si Danilo Espineli ang Pangulo nito nguni't lumalabas na mayroon umanong kumukulektang ibang tao sa mga colorum jeepney.

Nagrereklamo ang mga lehitimong jeepney drivers na bumibiyahe sa Cavite. Ayon sa kanila, higit na nakikinabang ngayon ang mga kolorum jeepneys. Isang Sotero Paredes pa na isang ring jailguard ang iniimbestigahan ng Cavite police. Medyo nakakahawig umano n ito ang cartographic sketch na isinagawa kamakailan.

Samantala, bukas pa rin sa anggulo ng droga ang pagpatay kay berbon. Nguni't sinisiyasat pa kung mayroon ngang kuneksiyon si SP02 Danter Moral sa naturang krimen.


Subject: XMAS CRIMES
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Hindi lamang gastos ang tumataas kapag sumasapit ang kapaskuhan. Pati krimen na pinagkakakitaan ay tumataas rin! Maraming nakapiit ngayon sa mga himpilan ng pulisya mapa-babae man o mapa-lalake ang malamang mag-pasko sa loob ng kulungan.

Ayon na rin sa mga o-toridad, simula ng pumasok ang panahon ng kapaskuhan, dumami ang mga insidente ng shoplifting, snatching, bukas-kotse at akyat-bahay. Makikita ito sa police blotter ng iba't ibang himpilan.

Halimbawa, sa Mandaluyong kagabi, biniktima ng bukas kotse gang at natangay ang sari-saring gamot na nagkakahalaga ng limampung libong piso. Ayon pa sa mga o-toridad, naiintindihan nila kung bakit kapag sumasapit ang kapaskuhan ay tumataas ang mga asunton g katulad ng nakawan. Subalit anila, ang batas ay batas at sinumang nagkasala ay kailangang makulong.


Subject: IS DEAD
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Namatay na si Baby Alma magbanua, ang sanggol na nakalabas ang puso sa dibdib. Hindi nagawang maisalba ng mga doktor sa Philippine Heart Center ang buhay ni Alma matapos na magkaroon ito ng kumplikasyon.

Malungkot na tinanggap ng mag-asawang Alejandro at Teresa Magbanua ang balitang pumanaw na si Alma. Alam nilang maliit lamang ang tsansa na mabuhay ito. Si Alma ay namatay kaninang alas onse siyete ng umaga makaraan ang dalawamput apat na oras na pakikipa glaban sa kamatayan. Ayon sa mga doktor, lumala ang kondisyon ni Alma ilang oras matapos ang maselang operasyon. Grumabe ang kanyang kondisyon bandang alas kuwartro ng umaga dahil sa pamamaga ng puso at patuloy na pagdurugo ng nito. Inamin ni Dr. Serafi n De Leon na mahirap maisalba ang tulad ni Alma na ang puso'y nasa labas ng dibdib.

Ayon pa kay Dr. De leon, ang kaso ni Baby Alma ay isa sa bawat isang milyon at ang tsansang mabuhay ay napakaliit. Maraming doktor, nurse at empleyado ng Philippine Heart Center ang nagdadalamhati sa pagpanaw ni Baby Alma. Napamahal na sa kanila ang sangg ol simula ng ipasok ito sa ospital. Nagkakaisa sila ng panalangin na sanay makamtan ni Baby Alma ang buhay na walang hanggang sa sinapupunan ng Dakilang lumikha.


Subject: MGA IGNORANTE
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Lahat naman ng sektor ng lipunan ay may corruption! Ito ang tugon ng Integrated Bar of the Philippines at Korte Suprema sa huling survey ng Social Weather Station Tungkol sa hudikatura. Anila, maaaring ang pagiging ignorante sa batas ng ilang mga huwes at abugado ang isang dahilan ng pagbaba ng tingin ng publiko sa kanila.

Na-i-larawan na naman ng negatibo ang judiciary. Ngunit hindi sumasang-ayon ang Korte Suprema at ang Integrated Bar of the Philippines. Sa huling survey ng Social Weather Station na nagsasaad na mababa na ang tiwala ng tao sa sangay na ito ng gobyerno dah il umano sa corruption.

Ayon kay Attorney Leonard De Vera, chairman ng public Service Committee ng IBP, ang pananaw na ito ay maaring dahil sa laging nakafronta ang judiciary. Ngunit inamin ni De Vera na may mga hukom na ignorante sa batas. Kayat kailangan ang patuloy na edukasy on.

Kinumpirma naman ng isang prominenteng abogado ang kurakot ng mga hukom. Aniya ito'y dahil sa mababa nilang suweldo. Ang isang RTC judge ay tumatanggap na mahigit kumulang sa dalawamput libong piso lamang. Binatikos naman ng deputy court administrator ng korte suprema ang masamang impresyon.


Subject: DROP CHARGES / KUWAIT
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Ipina-uurong na ni Sarah Balabagan sa Department of Justice ang kaso laban sa mga nag-recruit noon sa kanya. Ayaw nang ituloy ni Sarah ang kasong illegal recuitment laban kina Yuosuf Muraon, Asia Bandar, Usman Bandar at Nasrudin Dacula. Ito'y bilang pagpa pahalaga na rin anya sa pagiging magkakamag-anak nila ng apat. Ang apat ang nag-ayos ng mga dokumento ni Sarah patungong Abu Dahbi.

Walong Filipina ang nakatakdang i-deport mula sa Kuwait dahil sa umano'y pagkakasangkot sa pagpapalabas ng malalaswang panoorin. Isang kopya ng malaswang videotape ang ginamit na ebidensiya ng mga otoridad ng Kuwait laban sa mga naturang Filipina.

Ayon sa embahada ng Pilipinas, bahagi ito ng paglilinis ng pamahalaan ng kuwait laban sa mga aktibidad na labag sa batas ng Islam. Pitong iba pang mga Filipino na pawang mga bakla umano ang inaasahan ding made-deport. Nagtungo umano ang mga ito sa Kuwait bilang mga hairdressers subalit napunta sa pagmamasahe, na labag sa kanilang kontrata.


Subject: APPARITION
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/20/96

Nagdagsaan ang ilang daang katao sa isang office building sa Florida upang makita ang umano'y aparisyon ng Birheng Maria. Ang imahe ay nakita sa salaming pader ng Seminole Finance Building. May taas itong tatlumpu't limang talampakan at may lapad na limampung talampakan. Sinasabing lumakas ang negosyo dito dahil sa mga mamamayan na nag-pi-pilgrimage dito. Samantala, i-inspeksyunin naman ng mga glass experts ang naturang "phenomena" upang mal aman kung ano ang dahilan upang lumabas ang imahe. Titingnan nila kung ito ay dala ng mga kemikal o deposito ng mineral mula sa sprinkler system ng gusali. Ngunit para sa mga naniniwala, ito ay isang milagro ngayong pasko.
Go Back To News Service Index