Subject: LPG ANG TUMAAS / GASOLINA P.02
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Pagkaraan ng maraming pag-uusap tungkol sa posibleng rollback o pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo, inihayag ng Energy Regulatory Board na bababa lamang ng dalawang sentimos ang presyo ng langis. Ito'y sinabayan naman ng pagtaas muli sa presyo n g LPG.
Revised prices
- Premium .............. P 10.74/liter
- Unleaded ............. 10.73/liter
- Fuel oil ............. 0.26 Down
- Avturbo .............. 9.83/liter
- LPG .................. 6.70/liter
Bukas ng alas sais ng umaga bababa ng dalawang sentimo bawat litro ang presyo ng premium at unleaded gasoline, dalawamput anim na sentimo naman sa bawat litro fuel oil. Tataas naman ng pitong sentimo bawat litro ang turbo, 24 na sentimos sa lpg o halos li mampung piso ang itinaas bawat 11 kilogram per cylinder. Walang nagbago sa presyo ng regular gasoline, kerosena, at diesel oil.
Sinabi naman ni Faylona ang 26 na sentimong pagbaba sa presyo ng fuel oil ay pabor sa publiko. Pagkat ito ang gamit ng NAPOCOR kung kaya't posibleng bumaba ang presyo ng kuryente. Ayon pa kay Faylona, babalikatin ng OPSF ang 12 sentimo ang bagong presyo sa lahat ng produkto. Sa pagtatapos aniya ng taon, higit sa 250 milyung piso ang pondo sa OPSF. Iginiit ni Faylona na posible pang bumaba muli ang presyo ng langis sa susunod na taon.
Subject: FOUR PESOS!
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Simula Lunes, tataas naman ang pasahe sa taksi. Pagkaraan ng tatlong beses na taas sa presyo ng gasolina simula itong setyembre, itinaas na rin ang pasahe sa taxi. Sa isang public hearing kasama ang mga grupo ng taxi operators, nagpasya ang LTFRB na ibiga y na ang hinihiling nilang apat na pisong dagdag sa pamasahe.New taxi fare (no aircon) From To Flagdown p 2.50 p 14.00 Succeeding 1.00 1.00 Add-on 7.50 incorporated in flagdown
Mula Lunes, ang regular taxi na may flag down na dalawampiso at limampung sentimo ay magiging labing pitong piso.
New taxi fare (aircon) From To Flagdown p 3.50 p 20.00 Succeeding 1.00 1.00 Add-on 12.50 incorporated in flagdown
Samantalang ang aircon taxi ay magiging dalawampung piso ang flagdown rate. Isinama na ang add-on rate sa mismong flag down.
Subject: BINALEWALA / ERAP
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Ipinagkibit-balikat lang ng mga Presidentiables ang pahayag ni PIRMA co-founder Carmen Pedrosa na walang karapat-dapat sa kanilang maging successor ni Pangulong Ramos. Nguni't higit ditong nasaktan si Vice President Joseph Estrada na nagbabalak nang magsa mpa ng kasong libel laban kay Pedrosa.Binalewala ng mga aspirante sa malakanyang ang opinyon ni PIRMA co-founder Carmen Pedrosa. Naging kontrobersiyal ang pahayag ni Pedrosa sa programang DPL kung saan sinabi niyang "incompetent" si Vice President Joseph Estrada, na nangunguna ngayon sa survey sa lahat ng mga Presidentiables.
Nguni't hindi palalampasin ni Vice President Joseph Estrada ang pahayag ni Pedrosa. Balak ni Estradang magsampa na ng kasong libelo laban kay Pedrosa pagbalik niya sa bansa dahil sa aniya'y pag-iinsulto Nito sa ikalawang pinakamataas na opisyal sa bansa. Sa kabila nito, sinabi ni Pedrosa na wala siyang planong bawiin ang kanyang pahayag. Handa si Pedrosa na humarap sa korte upang aniya'y lumabas kung sino sa kanila ni Estrada ang nagsasabi ng totoo.
Subject: ANO BA TALAGA?
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Kasalanan ng mga bumalangkas ng 1987 Constitution ang pagkakaroon ng mga grupong tulad ng PIRMA. Ayon kay Congressman Arnulfo Fuentebella, ang mga ito rin ang naglagay sa batas ng probisyon para sa people's initiative na wala sa mga konstitusyon ng 1935 a t 1973.Sinisi ng ilang mga kongresistang oposisyon ang mga lumikha ng 1987 Constitution. Anila, sila rin ang bumabatikos ngayon sa mga grupong naglalayong amyendahin ang saligang batas. Ilan sa mga miyembro ng 1986 constitutional commission ang aktibong tumutuli gsa sa "PIRMA". Sa mga debate ng komisyon hinggil sa isyu, sina Senador Blas Ople at Rene Sarmiento ang mismong nagpapaliwanag sa kahalagahan Ng pagbibigay ng poder sa taong-bayan na amyendahin ang saligang-batas.
Noong pinagbotohan ang isyu, kasama si Ople at sarmiento sa dalawampu't-walo sa mga commissioner na bumoto para sa people's initiative. Kasama nila sina Justice Munoz-Palma, Comelec Commissioner Regalado Maambong, dating Comelec Chairman Christian Monsod, Justice Hilarion Davide, at si Fely Aquino, asawa ni Congressman Joker Arroyo. Pati ang Pangulong Ramos umano ay walang balak na pigilan ang anumang people's initiative.
Kung hindi makikialam ang pangulo, lalong hindi siya papayag na ang mga miyembro ng kanyang Partido ang makikialam. Iginiit ng mga opisyal ng lakas na maaaring sibakin ang sinumang miyembro nila na aktibong susuporta sa "PIRMA."
Subject: PROVINCIAL AT SI RAMOS
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Sa kabila ng matinding debate, isinugod kaninang umaga sa Makati Medical Center si Pangulong Ramos dahil sa viral infection. Dalawang araw na mako-confine sa ospital ang Pangulo habang isinasagawa rin ng kanyang mga doktor ang kaukulang check-up sa kanyan g pangkabuuang kalusugan. Naging matamlay ngayon ang Pangulo, na tatlong araw na ring nilalagnat. Ilang appointments ang kinansela niya simula pa kagabi.
Subject: HEAD FALLS / JUETENG
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
ABBNaaresto ng magkasanib na puwersa ng Presidential Task Force on Intelligence and Counter Intelligence, at ng PNP Narcotics Command ang commanding officer ng ABB combat force. Si Arnold Salazar, alyas ka Darwin, ay hinuli sa isang buy-bust operation sa Cub ao, Quezon City kaninang umaga. Si ka Darwin umano ang nasa likod ng pag-ambush kina dating Col. Reynaldo Dino at kay Quiapo Barangay Captain Rey Dela Cruz. Nakumpiska kay ka Darwin ang dalawang daan at limampung gramo ng shabu at .9 milimeter pistol.
JUETENG
Muling lumalakas ang jueteng operations. Bagamat guerilla type o iyong maliliit na operation ang mga ito, nangangamba ang DILG na maaring simula ito ng paraan ng mga pulitiko upang mag-ipon ng pondo sa pangangampanya. Kinagisnan na ng Pilipino ang sugal n a jueteng, pang-masa ika nga. Sa dami ng tumatangkilik naging instrumento ito ng mga pulitiko. Ito ang pinangangambahan ni Interior Secretary Robert Barbers. Gayunman, mainit ang kampanya laban sa jueteng.
Dalampung hepe ng pulis ang nasa masusing pagmamanman ngayon dahil sa patuloy na jueteng operation sa kanilang lugar. Kabilang dito sina Supt. Querol Vidal ng Bataan, Noe Wong ng Bulacan, at Leonardo Bataoil ng Negros Occidental. Sinibak kahapon ni barber s si C/Insp Ronaldo Estilles Chief of Police ng Balagtas Bulacan dahil sa patuloy ng ilegal na sugal sa kanyang lugar. Ayon sa DILG kung saan malakas ang jueteng, lumalakas din umano ang lokal na opisyal dito.
Subject: COME HOME / OCW NASIRA ANG ULO
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Hinihikayat ngayon ni Pangulong Ramos ang mga Filipino OCW's na magbalikbayan na. Ayon sa Pangulo, maganda na ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas kaya't hindi na kailangang mangibang bansa pa ang mga manggagawang Pilipino. Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ng mga pinoy OCW's sa pagpapalago pa ng ating ekonomiya.Ikinalungkot naman ng Filipino community sa Guam ang pagkaka-deport ng ilang Pinoy entertainers na nagtungo doon dahil sa kawalan umano ng kaukulang dokumento. Isa sa mga na-deport ang singer na si Rannie Raymundo.
Samantala, isang OCW ang umuwi sa bansa ang umano'y binugbog at drinoga pa sa Singapore ng mga awtoridad. Subalit ng bumalik si Linda sa bansa noong isang linggo, hindi na raw ito makausap kung kaya't siya ay dinala sa pagamutan ng mga kamag-anak. Ito ay mayroon ng nervous breakdown at psychiatric disorder pa.
Batay sa pahayag ng mga kamag-anak ng biktima, niloko raw si Linda ng recruiter nito, ang Around The World Employment Agency sa Padre Faura. Ilang beses siyang ginamit ng ibat ibang kalalakihan doon ngunit wala itong magawa. Nakatakas si linda ngunit nahu li naman agad ng mga awtoridad. Dinala siya sa Philippine Embassy ng mga pulis doon at inireport na nakita nila si linda sa kalye na sira na ang ulo. Patuloy pa rin daw na nakabukas ang nasabing prostitution house doon sa Singapore.
Subject: PANGASINAN PRINCIPAL
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Isang high school principal sa Binalonan, Pangasinan ang inerereklamo ngayon ng mga sariling estudyante. Ang dahilan: pangmomolestiya.Sa maliit na paaralang ito sa Binalonan, Pangasinan, merong kinatatakutan ang mga estudyante lalo na ang mga kalalakihan. Dalawang teen-agers ang napilitang lumantad upang isiwalat ang nalalaman sa mga imoral na gawain ng kanilang principal.
Dito umano sa opisinang ito ni Mr. Antonio Milanes nangyayari ang lahat. Marami na umanong naging biktima ang principal. Ayon naman sa mga magulang ng dalawang bata, ilang beses na silang pinakiusapan iurong na lamang ang reklamong naisampa sa NBI. Ginaw a ng ABS-CBN News ang lahat para makuha ang panig ni Mr. Milanes subalit bigla itong nawala at walang makapagturo kung nasaan.
Subject: PINALA ANG ULO NG BASURERO
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Isang basurero sa Maynila ang malubhang nasugatan matapos makipagtalo sa isang kasamahan tungkol sa posisyon.Hindi raw sinunod ni Dominador Villanueva ang utos ni Norberto Pajatero na ayusin ang paghagis ng mga basura sa trak kung kaya't nagalit ito. Subalit, ayon naman kay villanueva hindi niya boss si Pajatero at walang karapatang mandohan siya nito. Pareho la mang daw silang mga taga-hakot ng basura.
Batay sa pulis report, ang insidente ay naganap dakong alas diyes ng gabi sa likod ng Metropolitan Theater sa Aroceros. Bumagsak na duguan ang biktima subalit, pinalad ito na makita ng nagpapatrolyang mga Barangay Tanods. Agad namang nahuli ang suspek at narecover ang pala na ginamit sa biktima.
Subject: PRANING!!!!!
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Isang miyembro ng Counter Intelligence Group ng Parañaque pulis na nagpakilalang pinsan ni Bill Clinton at bodyguard ni Michael Jackson, ang dinampot ng otoridad matapos manggulo sa Makati. Nagmistulang Santa Claus si SPO1 Jessie Farcon sa mga preso ng Makati City Jail. Nangako siyang bago sumapit ang Pasko na palalayain niya ang mga preso. Nakulong si Farcon sa kasong grave threat matapos manutok ng baril.Subalit ayon kay Farcon, alam niyang nasa mabuti pa rin siyang kamay. Binigyan aniya siya ng agimat ni Pope John Paul II ng bumisita ito sa Pilipinas noong nakalipas na taon. Isa daw siyang universal soldier at barkada niya'y mga E.T. Kung hindi raw siya makaka-pag-piyansa ay i-rerequest na lamang niya na higupin ng UFO ang city jail upang makawala silang lahat. At dahil alagad siya ng batas, safe pati ang White House sa kanya dahil dikit raw siya kay pareng Bill.
Ngunit balisa si Farcon. Hindi siya mapakali sapagkat siya ay may isa pang misyon. Kailangang makalaya siya agad dahil baka manganib ang buhay ni Jacko, ang King of Pop. Hindi raw siya fan, hindi rin miron kundi, bahagi ng History: The World Tour Concert bilang close-in "alalay" ni Michael.
Subject: CONSUL
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
I-u-urong ni Foreign Affairs Secretary Domingo Siazon ang nominasyon ni Ital-Thai President Premchai Karnasuta bilang honorary Consul General sa Thailand. Ito'y kung mapapatunayang may anomalya nga ang kontratang pinasok ng Public Estate Authority sa Amar i-Ital-Thai. Hinikayat din ni Siazon si Senate President Ernesto Maceda na dalhin na lamang sa korte ang isyu. Idinagdag ni siazon na napiling maging honorary Consul si Karnasuta dahil makakatulong ito sa economic diplomacy activities ng Pilipinas sa Thai land.
Subject: JOJO VELOSO
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Isinampa na kanina ng NBI sa DOJ ang kasong white slavery at corruption of minors laban sa talent manager na si Jojo Veloso. Ito'y batay sa reklamo ni francesca sabo na ibinugaw umano ni Veloso sa isang Vic Jose na line producer umano ng Viva Films. Batay sa salaysay ni Sabo, minolestiya siya ni Jose sa bahay nito sa Mandaluyong noong 1994. Si Jose ay sinampahan din ng kasong corruption of minor at acts of lasciviousness.
Subject: CAREFUL NOW...
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Nanawagan ang Department of Health sa mga local government officials na ipagbawal ang pagbenta ng watusi sa kanilang mga lugar. Ikinakatakot ng DOH na ito ang magiging sanhi ng maraming kaso ng pagkalason ngayong kapaskuhan.Nababawasan daw taon-taon ang mga biktima ng paputok. Ngunit habang nababawasan ang mga bumibili ng mga paputok, tuloy naman ang pag-gamit ng mga kabataan ng watusi. Maaring hindi nga ito makakapag-sabog ng mga daliri, pero mabilis naman itong makalason.
Nagsisimula na ring maghanda ang mga emergency rooms ng mga ospital para sa mga inaasahang maaksidente dahil sa mga paputok. Nakatakdang ilunsad ang "Oplan Iwas-Paputok" ng DOH sa Mga darating na araw upang bigyan ng direktiba ang mga ospital sa pag-ga-gamot ng mga firecrackers victims. Hinihingi rin ng departamento na ipagbawal ang pagbebenta ng watusi dahil sa agad itong nakamamatay kapag nakain ng mga bata. Pareho ang ingredient s nito sa ginagamit na panglason ng Daga. Imported din ang antidote na ginagamit para dito kaya't mataas ang presyo.
Subject: CONCERT...NALUGI
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Sa harap ng paghingi ng tatlumpung porsientong amusement tax, sinabi ngayon ni Parañaque Mayor Joey Marquez na malaki ang naging lugi ng Midas Promotion sa dalawang araw na konsiyerto ni Michael Jackson sa Maynila. Ito'y dahilan na rin umano sa mga b uwis na kanilang babayaran.Mayor Joey Marquez ng Parañaque
"hindi lamang naman ang municipality ng Parañaque ang magta-tax sa kanila, ang bir 30%, yong vat 10%, eh 40% na halos yon...yong income pa ng Midas Production tataksan pa yon. Baka ang problema diyan pati yong kapital ng tao eh makuha dahil sa taxati on na yan." "it's an ordinance that is lessening the burden of a taxpayer, so you don't need a public hearing, kasi nong pumayag na sila sa ganong halaga, ibinaba mo pa, kailangan mo pa ba silang kausapin?"Naniniwala rin si marquez na tama ang naging desisyon ng Parañaque City Council na dalawang porsiyentong amusement tax lamang ang singilin nila sa midas sa halip na trenta porsiyento.
Go Back To News SerVice Index
Subject: TAKOT SA BIYERNES TRESE
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/13/96
Karaniwang paniniwala ng mga mapamahiing kababayan natin ay malas daw ang araw ng Biyernes lalunat papatak ito sa ika-13 ng kalendaryo. At ngayon ay Biyernes trese. Kung malas para sa marami, swerte naman daw sa iba.Biyernes trese, bihirang magtapat ang ganitong araw at petsa. Malas! Ang sabi ng mga mapamahiin. Sa mga Kristiano, ang Biyernes ang araw ng pagkamatay ni Kristo. Nang malaunan sa mga Romano ay ginawang araw ito ng pagbitay sa mga kriminal. Sa marami, ang bilang na trese ay trahedya--alanganing numero. Labintatlo ang tao sa last supper nang ipagkanulo ni Judas si Hesukristo. Ang tinatawag na malas ay nadala rin sa kultura ng tao. Walang 13th floor sa halos lahat ng matataas na gusali sa pilipinas. May mga ayaw magtrabaho dahil sa pamahiing ito. Ang iba ay takot bumiyahe kung Biyernes trese. Maging ang mga tao ay tumatanggi rin sa trese bilang numero ng kanilang bahay. Kung maraming takot sa Biyernes trese may nagsasabing suwerte naman ito para sa kanila. Ang iba walang pakialam.